Pages

Cristine Reyes says she is learning how to control her emotions

Known for her emotional outbursts on and off cam, sexy actress Cristine Reyes admitted she’s toning down her feisty attitude during her interview with KC Concepcion on The Buzz. “Oo slight. Kasi siyempre natututo ka na sa mga intriga. Okay din kasi nababago ka nito, kailangan mo i-adjust (ang sarili mo), ‘wag ka masyadong maging transparent.” Cristine said she’s not really that frank, but she sometimes does not think before she speaks. “Di naman prangka, pero sinasabi ko lang naman kung anong nasa isip ko, kung anong tumatakbo sa isip ko. Well, ngayon kailangan ko na siyang i-control.”

She laughingly admitted her recent tiff with Sarah Geronimo about boyfriend Rayver Cruz is the biggest controversy she has encountered. “E ‘di yung latest ko, as in yung pinaka-recent. Alam niyo na ‘yun guys. Kayo naman eh.” She also says Rayver has been very supportive of her all through out. “Si Rayver naman sobrang maintindihin naman yun. Supportive naman siya. Wala siyang sinabi, tahimik lang kasi yun, andyan lang siya para sabihan ko ng mga problems ko. Naka suporta lang siya lagi sa kin.

The actress said the biggest lesson she’s learning now is how to control her emotions. “Learn how to control your emotions. Kasi very impulsive ako eh. Feeling ko kasi bata pa ko. Di ko nare-realize 22 (years old) na pala ko. Feeling ko teenager pa ko…nasanay lang ako kasi, parang batang isip talaga ako. Hindi naman immature, na walang pakialam sa mga tao. Parang batang isip lang na ano, spoiled. Parang lahat pagbibigyan ako.

When asked by KC if she is really ready to settle down when she is 30 years old, Cristine said she just thought of this age because she’s being hounded by reporters. “Hindi kasi kinukulit ako nina ate, yung mga nangiinterview sa kin, hanggang sa ano, hanggang makasagot ako kaya sabi ko 30 magpapakasal na kami pero ‘di naman siya seryoso, kasi kinukulit talaga nila ako. Ma-pressure naman nun si Rayver.”
KC said Rayver commented that she’s a good cook and will make a good wife someday. Cristine answered that she took up culinary courses before with friend Angelica Panganiban and was able to whip up a nice meal for him during the Holy Week. “Noong Holy Week kasi wala kami makain so nagluto ako. Fish lang tsaka mahilig siya kasi sa garlic rice, tapos ayun nagimbento ako ng iba’t ibang klaseng rice. Mahilig din siya sa pasta.”

Cristine ended the interview by inviting the viewers to watch her new movie Tumbok, showing in theaters on May 4. She said the movie is complete with special effects from Thailand, which horror movie lovers would surely enjoy.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Showbiz mourns the death of AJ Perez

Isang malungkot na balita para sa showbiz industry dahil sa pagpanaw ng 18-anyos na aktor na si AJ Perez o Antonello Joseph Perez sa totoong buhay, dahil sa isang aksidente na naganap noong gabi ng April 16 dakong alas-11:45 ng gabi. Galing ang batang aktor sa sa Pangasinan para sa Kapamilya Caravan dahil sa Bangus Festival sa nasabing probinsiya. Kasama ng aktor ang kanyang ama, dalawang road managers, isang event marshall at ang driver.

Ayon sa report, binabagtas ng grupo ni AJ na nakasakay sa ABS-CBN van ang national highway sa Rosales, Pangasinan nang mag-overtake ang kanilang van ng isang trak. Subalit pagka-overtake ay may kasalubong palang isang bus at tumama ito sa kaliwang bahagi ng van kung saan nakapuwesto ang aktor. Natutulog daw ang aktor nang maganap ang aksidente. Bukod sa aktor, wala naman ibang nasawi at hindi naman naging matindi ang pinsala ang natamo ng ibang kasamahan niya.

Nang isugod daw sa pinakamalapit na pagamutan ang grupo sa may Paniqui, Tarlac, sinubukan pa raw i-revive si AJ subalit idineklara na siyang dead on arrival dahil sa multiple head injury. Ang mga labi ng aktor ay nasa La Salle Greenhills, San Juan kung saan siya nag-aral. Recently ay naka-graduate na ang binatilyo sa high school at nag-celebrate ng kanyang birthday last February.

Naglabas ng official statement ang ABS-CBN bilang pakikiramay sa pamilya ng aktor at patuloy na tumutulong sa kanila. "Kapamilya talent AJ Perez passed away early this morning after being rushed to a hospital in Tarlac. Together with his father, two road managers, a driver and an event marshal, they met a vehicular accident on their way back to Manila after a provincial show. ABS-CBN symphatizes with AJ's family on his untimely demise and urges everyone to pray for the eternal repose of AJ's soul and for the family and loved ones he left behind."

Nagbigay din ang head ng Star Magic na si Mr. Johnny Manahan ng kanyang pahayag ukol sa trahedya. “AJ’s death comes as a shock to all of us. We are saddened that he was cut down at such a tender age. We share the deep felt sorrow of his family and we will miss him.”

Samantala matapos ang show nina AJ sa Pangasinan ay nagawa pa ng The Buzz na makapanayam ang binata ilang oras bago mangyari ang aksidente. Kuwento pa ng aktor, may upcoming Maalaala Mo Kaya episode siya na ipapalabas sa katapusan ng Abril. “Kuwento (ito) ng dalawang magkapatid and ‘yung bond nila. Kuwento ng pagmamahal sa isat-isa at ‘yung struggle nila from having to move from Manila all the way to Samar,” anang binata sa panayam.

Nagbahagi pa nga ng pasasalamat si AJ sa mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya at sinabing sa pamamagitan ng ilang social networking sites ay nagri-reach out siya sa mga ito. Nang pauwi pa nga si AJ ay nagawa pa niyang mag-tweet ng mensahe sa kanyang Twitter account, na magiging huling mensahe pala niya. “On the way home already from Dagupan. Long drive ahead. Thanks to everybody who watched.”

Sobrang apektado naman si Jessy Mendiola sa pagpanaw ni AJ. Nagkatrabaho ang dalawa sa teleseryeng Sabel at naging close. Sa panayam ni Jessy ay sinabi niyang hindi siya makapaniwala na wala na ang dating leading man niya. “Nakita ko lang siya nung isang araw ang saya-saya namin tapos wala na siya,” ma-emosyunal na  pahayag ng aktres. “Sobrang puro good words lang meron siya para sa akin. Ine-expect namin anytime dadaan siya, maghe-hello, magha-hi, magsi-smile sa amin. Parang ang hirap lang tanggapin na wala siya,” naiiyak na pahayag ni Jessy. “Pare, sana maging masaya ka na d’yan. Mahal na mahal ka namin at mami-miss ka namin sobra.”

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Angelica Panganiban reacts to the issue linking Derek Ramsay to Aifa Medina

Kamakailan ay na-link naman si Derek Ramsay sa isang member ng Sexbomb dancers na si Aifa Medina. Nakita raw kasi ang dalawa na magkasama sa isang lugar sa Tondo. Nagbigay na ng pahayag si Derek tungkol sa isyu at wala raw katotohanan ang nasabing balita.

Ngayon ay ang girlfriend naman ni Derek na si Angelica Panganiban ang nagbigay ng reaksyon sa pagkaka-link ng kanyang boyfriend kay Aifa. “Nagulat kaming dalawa kasi noong lumabas daw yung balita, nasa Boracay siya talaga. So sobrang imposibleng mangyari na may pinuntahan siyang girl. Pinahanap niya sa akin sa internet kung ano ang itsura ni Aifa, sabi niya kasi mamaya kilala pala niya kasi sobrang friendly ni Derek. So noong nakita niya yung picture sabi niya, ‘di ko nakita iyan, ‘di ko kilala iyan,” kuwento ni Angelica.

Ngayong holy week ay hindi magkasama sina Angelica at Derek kaya naman daw tiyak na hindi pa rin mawawala ang mga nang-i-intriga tungkol sa kanilang relasyon. “Yes, Diyos ko, sanay na ako. Para na nga lang akong sounding board para sa mga taong walang magawa sa buhay. Paulit-ulit na lang siyang dejavu sa akin yung lahat ng intriga. Sa lahat naman ng binabato nilang intriga at tsismis na hindi magaganda, maganda naman ang ibinabalik sa akin ni Lord,” nakangiting sagot pa ni Angelica.

Last Wednesday night ay umalis na si Angelica papuntang America para sa Star Magic 18 U.S. concert tour. Excited at masaya ang dalaga dahil muli raw silang magkikita ng kanyang biological father na based in U.S. “Sobra kasi hindi lang siyempre makakapagbigay kami ng saya at makakapag-reachout kami sa mga kababayan natin sa America, siyempre kami may mga kamag-anak din kami doon so parang family reunion din siya,” pagtatapos ng aktres.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Kim Chiu moves into her dream home

Masayang-masaya si Kim Chiu ngayon dahil unti-unti na raw niyang nakakamit ang kanyang mga pangarap. After mag-graduate ng high school kamakailan ay nakalipat na rin ang young actress sa kanyang dream house. Matagal ring ipinagawa ni Kim ang nasabing bahay kaya naman ngayong nakatira na siya dito ay iba raw talaga ang tuwang kanyang nararamdaman. “Naglipat lang ako ng bahay, masaya ako dahil noong nandoon ako parang sabi ko finally natapos na siya, lahat ng pinaghirapan ko eto na, eto na yung pangarap ko, masaya,” nakangiting pahayag ni Kim.

Malapit na raw ma-kumpleto ang mga gamit sa bagong bahay ni Kim pero mayroon pa siyang gustong ipagawa para dito. “Nandoon na lahat pero siyempre pakonti-konti pa, pero hindi naman isang bagsakan nandiyan na lahat. Pangarap kong magka-swimming pool. Magagawa ko rin yun,” natatawang sabi pa ng young actress.

Inilalaan daw ni Kim ang lahat ng kanyang achievements para sa buong pamilya nila. “Ayun! Unti-unti natutupad ko na yung pangarap ko. Tapos ko na yung pag-aaral ko, natayo ko na yung dream house ko. Yung mga kapatid ko unti-unti na silang natatapos ng pag-aaral, isa na lang, graduate na rin yung isa so yun, masaya naman. Kapag may pangarap naman ang isang tao, kapag gusto mo talaga, maaabot mo naman iyon, yun ang motto ko sa buhay,” dagdag pa ni Kim.

Samantala, kamakailan ay ginanap na rin ang story conference ng teleseryeng “Binondo Girl” na pagbibidahan ni Kim. Muling magbabalik ang dalaga sa primetime bida. Makakasama ni Kim sa nasabing serye sina Matteo Guidicelli, Jolo Revilla at Xian Lim. Ngayon pa lamang ay very excited na si Kim sa kanyang newest project. “Masayang-masaya na nakaka-excite dahil ang tagal-tagal ko nang hinihintay at pinaghahandaan ito. Ngayon, naibigay na sa akin kaya masaya ako at excited. Feeling ko ay mahal na mahal ako ng ABS dahil binigyan ako ng ganitong proyekto so masaya and parang I feel blessed,” pagtatapos ni Kim.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Xian Lim feels flattered that he’s Vice Ganda’s new crush

Xian Lim still can’t get over his weeklong stint as a guest judge on Showtime. He thanked the live audience and TV viewers who had a great time watching him play different kinds of musical instruments as his daily “sample.” “Nagpapasalamat ako sa napaka-warm na pagtanggap sa akin ng mga madlang people. Sa Showtime, I was very happy na nabigyan ako ng chance na ipakita ‘yung iba kong skills na hindi ko usually naipapakita. Sa mga sample ko naipakita ko na I can play the piano, guitar, other kinds of musical instruments. I’m very happy na hinahayaan nila akong sa sample ko. I love Showtime!”

Aside from being an actor, model, and basketball player, Xian is also a music lover. The actor had previously revealed his plans of taking up a music course should his schedule permit him. If ever he would be asked again to guest again on Showtime, the 22 year-old promised that he still has many “samples” in store to surprise the madlang people. “In case gusto pa nila akong bumalik, I promise na marami pa akong nakahandang sample para sa lahat. Masaya talaga ‘yung show, everyone’s enjoying, the hosts, mga hurado. Nung last day ko nga nalungkot talaga ako. Kaya nung na-invite ako uli para sa birthday ni Vice I was very happy.”

Aside from his samples, Xian also charmed the audience most especially the girls with his good looks. In a span of just a week, Xian’s exposure in Showtime made him the new “crush ng bayan.” “Thank you! Thank you talaga!” was all he could say when told about this.

Mainstay judge Vice Ganda even declared that Xian is now his new crush. When asked if he is willing to play leading man opposite the comedian, Xian said, “I will be really happy kung sabihin niya. As long as magiging maganda, ‘yung samahan ng lahat, kung alam kong mage-enjoy talaga ako, I will do it.”

Xian shared that since his stint in Showtime, he and Vice have started to become good friends and would often communicate through text and Twitter. “Nagkakamustahan pa rin kami sa text, sa Twitter. Maganda ang samahan namin ni Vice,” said the actor.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments