Pages

Showing posts with label Angel Locsin. Show all posts
Showing posts with label Angel Locsin. Show all posts

Angel Locsin believes that Phil Younghusband is not using her for publicity

Now that she and Azkals striker Phil Younghusband have admitted they went out together with friends, Angel Locsin said that she was able to get a very good first impression of the controversial football athlete. “We’re friends. Lumabas kami. Nasa getting-to-know-you stage pa rin naman. He’s very nice. He’s a gentleman,” she said.

During the March 6 launch of Marck Nicdao’s Vantage book and exhibit at Greenbelt 5 in Makati City, Angel admitted that it’s been a challenge to find the opportunity to spend time with Phil again. “Parang ang hirap eh. Ang hirap na very public yung nangyari ngayon so ang hirap rin mag-comment. Nung lumabas kami, napag-uusapan namin yung family ko. Hindi ko pa siya nai-introduce sa family, wala pa. Kasi ang labas namin with friends, yung punta namin sa firing range, ganun lang. hindi pa talaga yung alis-alis talaga,” she added.

The sexy actress also chose to shrug off rumors that claim that Phil has some vested interests in showing his romantic intentions for her. “Kasi parang ayoko na sumagot ng mga issues na baka ginagamit lang ako kasi hindi ko alam kung paano sagutin yun. Tsaka sabi naman niya hindi. And ako nasa industriya ako na palaging may mga ginagawang kuwento at nasasaktan ako ‘pag may mga ganyang kuwento tungkol sa akin na masakit nga naman. So bibigyan ko siya ng tiwala para dito, kung ano yung sinabi niya, papaniwalaan ko kasi siya yung sangkot talaga dito, hindi yung mga gawagawa na kuwento ng ibang tao lang,” she stresses.

With regards to the recent controversy involving Angelica Panganiban and an Azkals fan on Twitter, Angel said she is not taking anybody’s side, but she can empathize with fellow celebrity’s concerns for making a comment like that. “Ano kasi, I understand Angelica because I know that she’s a big fan of football talaga and siguro wala rin ako sa position para mag-comment pero I understand her. Mabait naman si Angelica eh. Siguro nami-misinterpret lang ng mga tao,” she said.

The 25-year-old actress said that she knows that this year is crucial for Philippine football because at the current rate they are going, the Azkals stand a chance to perform well at the World Cup Qualifiers in June. “Sana wala na itong ganituhan kasi kung gusto talaga nating suportahan ito na first time lang  may representative ang Philippines sa World Cup if ever. So sana wala na rin mga stressful na issues na makaka-distract sa goal nila. Wala lang, parang kasi, wala ako sa position to comment. I respect Angelica because I understand, she’s a big fan of football,” she said.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Angel Locsin and Phil Younghusband’s tweets cause a stir in online world

Mainit na pinag-usapan ang pagkapanalo ng Philippine Football Team na Azkals laban sa team Mongolia noong Miyerkules. Kahapon, ang star player ng team na si Phil Younghusband ang naging sentro ng balita dahil ginulat nito ang lahat nang mag-post ng message sa twitter para kay Angel Locsin. Niyaya ni Phil na maka-date si Angel sa darating na Valentine’s day. Narito ang eksaktong mensahe ni Phil para kay Angel. “Hi Angel! This Phil. How are you? I was just wondering if you are free for Valentine’s day?”

Sinagot din agad sa twitter ng aktres ang imbitasyon ng binata sa kanya. Ayon kay Angel ay mayroon daw siyang trabaho sa Valentine’s day pero very open naman daw ang dalaga na matuloy ang kanilang date sa ibang araw kapag maluwag na ang kanyang schedule. Ito naman ang eksaktong sagot ni Angel kay Phil. “Hi! This is Angel Congrats on your win last night! Tnx for the invite but I have work on Valentines..Let’s try another day ” Nagulat at natuwa si Phil dahil sa pagsagot ni Angel sa kanyang imbistasyon.

Matatandaang inamin ni Phil kamakailan na isa si Angel sa mga crushes niya sa showbiz, nabanggit din ng binata na apat na taon na rin siyang loveless tuwing Valentines. Ngayon ay pina-follow na nina Angel at Phil ang isa’ isa sa twitter kaya posibleng nagpapalitan na rin sila ng direct messages. Saan kaya hahantong ang imbistasyon ni Phil kay Angel at Kailan kaya matutuloy ang much-awaited date ng dalawa? Posible na magkagustuhan ang dalawa since pareho naman silang single sa ngayon.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Luis Manzano on talking to Mariel Rodriguez and dating Angel Locsin again

For the first time ay muling nagkita sina Luis Manzano at Mariel Rodriguez sa ELive last Saturday. Matatandaang nagkaroon ng tampuhan ang dalawa at hindi nakapag-usap ng ilang buwan dahil nawala ring pansamantala sa telebisyon si Mariel nang magpakasal ito kay Robin Padilla.
Very awkward daw ang muling pagkikita nina Luis at Mariel pagkatapos ng mahabang panahon. “Noong una, admittedly, di ako magpapaka-plastik. Matagal na rin kaming hindi nagkita at nag-usap so di naman mawawala iyon, pero as it progressed, safe to say na nalalabas naman namin kung sino man kami, bilang magkaibigan kami dati,” pahayag ni Luis.

Kahit nakaramdam ng pagkailang si Luis ay inamin nito na hindi naman daw siya nagdalawang isip nang malaman niya na muling makakasama si Mariel. “Sabi ko, oo naman! No problem at all. I’m not gonna even think twice, sinabi nga sa isang part, yung sa amin ni Mariel was very very petty. Least of her worries yung sa amin,” paglilinaw pa ni Luis.

Ngayon daw ay muling isinasaayos at ibinabalik nina Luis at Mariel ang maganda nilang pagtuturingan bilang magkaibigan. “Hindi rin naman kasi pwedeng biglain yung sa amin. It was indeed, pero sana more talks din sana. Kasi iba rin naman yung napatutok rin kami bigla sa harap ng camera. Baby steps pa yung sa amin. Ayoko naman sabihin na okay na okay na, tapos na ang usapan. It was a good start din naman,” dagdag pa ng aktor.

Samantala, napabalita ring dumalaw diumano si Luis sa taping ng ex-girlfriend niyang si Angel Locsin sa Tagaytay. Muli na nga bang nagde-date ngayon ang dating magkasintahan? “Kaya kong sabihing walang katotohanan ‘yan, na nakita kami sa bar or sa mall, nagkita at nagkasama kami pero…” makahulugan pero bitin na sagot ni Luis sa isyu.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments