Pages

Showing posts with label Kim Chiu. Show all posts
Showing posts with label Kim Chiu. Show all posts

Kim Chiu moves into her dream home

Masayang-masaya si Kim Chiu ngayon dahil unti-unti na raw niyang nakakamit ang kanyang mga pangarap. After mag-graduate ng high school kamakailan ay nakalipat na rin ang young actress sa kanyang dream house. Matagal ring ipinagawa ni Kim ang nasabing bahay kaya naman ngayong nakatira na siya dito ay iba raw talaga ang tuwang kanyang nararamdaman. “Naglipat lang ako ng bahay, masaya ako dahil noong nandoon ako parang sabi ko finally natapos na siya, lahat ng pinaghirapan ko eto na, eto na yung pangarap ko, masaya,” nakangiting pahayag ni Kim.

Malapit na raw ma-kumpleto ang mga gamit sa bagong bahay ni Kim pero mayroon pa siyang gustong ipagawa para dito. “Nandoon na lahat pero siyempre pakonti-konti pa, pero hindi naman isang bagsakan nandiyan na lahat. Pangarap kong magka-swimming pool. Magagawa ko rin yun,” natatawang sabi pa ng young actress.

Inilalaan daw ni Kim ang lahat ng kanyang achievements para sa buong pamilya nila. “Ayun! Unti-unti natutupad ko na yung pangarap ko. Tapos ko na yung pag-aaral ko, natayo ko na yung dream house ko. Yung mga kapatid ko unti-unti na silang natatapos ng pag-aaral, isa na lang, graduate na rin yung isa so yun, masaya naman. Kapag may pangarap naman ang isang tao, kapag gusto mo talaga, maaabot mo naman iyon, yun ang motto ko sa buhay,” dagdag pa ni Kim.

Samantala, kamakailan ay ginanap na rin ang story conference ng teleseryeng “Binondo Girl” na pagbibidahan ni Kim. Muling magbabalik ang dalaga sa primetime bida. Makakasama ni Kim sa nasabing serye sina Matteo Guidicelli, Jolo Revilla at Xian Lim. Ngayon pa lamang ay very excited na si Kim sa kanyang newest project. “Masayang-masaya na nakaka-excite dahil ang tagal-tagal ko nang hinihintay at pinaghahandaan ito. Ngayon, naibigay na sa akin kaya masaya ako at excited. Feeling ko ay mahal na mahal ako ng ABS dahil binigyan ako ng ganitong proyekto so masaya and parang I feel blessed,” pagtatapos ni Kim.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Kim Chiu congratulates Sarah Geronimo and Gerald Anderson

Very successful ang first ever movie na pinagsamahan nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson na Catch Me, I’m In Love kaya masayang-masaya ang dalawa sa suportang natanggap mula sa kanilang fans.

Maging ang dating kapareha ni Gerald na si kim Chiu ay masaya rin sa tagumpay na tinatamasa ng pelikula ngayon. “Masaya ako for them and congratulations! Sinabi ko naman iyon kay Gerald na sure akong blockbuster yun dahil siyempre Gerald tapos kasama niya pa si Sarah,” nakangiting pahayag ni Kim. Nagbigay din ng payo si Kim kay Gerald bago pa ipalabas ang pelikula sa mga sinehan. “Sinabi ko sa kanya na huwag siyang kabahan dahil sigurado akong blockbuster iyan,” kuwento pa ng dalaga. Hinding-hindi raw palalampasin ng young actress ang pelikula at siguradong panonoorin niya ito.

Samantala, ginulat ni Kim ang lahat sa kanyang sexy pictorials para sa Star Studio’s Sexiest Celebrities na kinunan kamakailan. Silang dalawa ni Gerald ang itinanghal na Sexiest Young celebrities. “Tiyan lang naman iyon, ‘tsaka pang-ano rin sa mga tao na lahat ng bumoto siyempre sayang naman yung daliri nila napudpod na sa kaboboto so sabi ko okay lang siguro mag-pose na ako ng ganito. Nagpapasalamat ako dahil ang daming text votes at ang daming bumoto,” paliwanag ni Kim.

May plano na ba siyang magtuloy-tuloy sa pagpapa-sexy o mag-pose for a men’s magazine? “Ay! Hindi, hindi po talaga ako magpo-pose for a men’s magazine. Nakakahiya yung katawan ko,” natatawang sagot ni Kim.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Renz Fernandez admits he gets distracted by Kim Chiu’s beauty

Renz Fernandez makes his acting debut by playing leading man to Kim Chiu in the final episode of Your Song presents Kim airing on March 27. Renz is the youngest son of acclaimed actors Lorna Tolentino and the late Rudy Fernandez. In an interview with the entertainment press, the 25 year-old said it had been his childhood dream to be in the same industry as his parents. “Bata pa lang ako gusto ko na mag-artista. Kaya lang nag-promise ako kay Papa na tatapusin ko muna ‘yung pag-aaral ko. Natapos ko na po ‘yung studies ko nung October. Tama naman ‘yung desisyon niya. Ngayon mas may disiplina na ako. Mas kaya ko nang mag-focus. Ngayon hahabulin ko na ang pangarap na ‘yun.”

Renz’s older brother Rap Fernandez was recently introduced in Wansapanataym presents Rod Santiago’s Buhawi Jack co-starring with Gerald Anderson. Renz dismissed speculations of a sibling rivalry between him and Rap. “Magkaiba kaming tao ni Kuya. Ang weaknesses ko, strengths niya. Ang weaknesses niya, strengths ko naman. Sabihin na nating mas maliit ‘yung tiyan ko kay Kuya, ha ha ha! Pero kung sa pagiging creative naman, siya ang mas bagay na tao para dun. Matalinong tao ‘yun.”

Renz admitted that he is feeling a bit sad that his father is no longer present to see him and Rap join showbiz. “Nakaka-sad. Sana lang nakikita niya kami mula sa taas. Sana proud siya sa amin.”

For his acting debut in Your Song, Renz expressed his deep gratitude for being paired with Kim who is regarded as a Primetime Princess of ABS-CBN. “Feeling ko napaka-blessed ko na nakatrabaho ko si Kim para sa unang unang trabaho ko. I feel honored. Thank you talaga. Sobrang taas ng gratitude ko sa ABS-CBN, sa inyong lahat.”

Being the newbie on the set, Renz confessed the numerous times he forgot his lines, and it was mostly because he would be distracted by Kim’s beauty. “Mabait na babae ni Kim. Madalas ko ngang makalimutan ‘yung mga linya ko dahil sobra niyang ganda. Na-star struck ako. Nag-meet kami sa tent. Ipinakilala kami ni Direk Jerry (Sineneng). Nakita ko ‘yung mata niya. Sabi ko, ‘Uy! Ang ganda naman nito!’ Napaka-talented. Magaling na artista. Mabait.”

But Renz admired how patient Kim was with him. “Mapasensya rin kasi nga ang dami kong mali sa mga eksena namin. Pero okay lang sa kanya. Nakailang take kami, seven o eight yata kaya nakakahiya. ‘Yun talaga ang maganda kay Kim. Tinext ko siya, nag-sorry ako sa mga eksena namin. Sabi ko tensyonado kasi ako. Nag-promise ako na next time aayusin ko. Sabi niya okay lang naman daw.”

Having revealed that he is currently single, does Renz have any plans of courting Kim? “Tingnan na lang natin, ha ha ha! Nasa destiny ‘yan. Girlfriend ko ngayon ang acting. Sana mas magmahalan kami ng todo para maging maganda ang kalabasan.”

Did he wish that he had a kissing scene with Kim in the Your Song episode? “Bakit naman hindi?! Sino ba ang hindi papayag? ha ha ha!”

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Kim Chiu was surprised to be called Gerald Anderson’s first love

After their careers were launched via Pinoy Big Brother:Teen Edition in 2006, the Kim Ciu-Gerald Anderson love team had been going strong until late last year when they admitted that things were not as picture-perfect as it seems. Add to that fact that Gerald was suddenly being linked to Bea Alonzo which got tongues wagging that the two young stars were definitely going down separate paths. With Kim busy doing the teleserye Binondo Girl and numerous other projects lined up for the year, she says their friendship has settled into a comfortable level once again.
During the launch of Mark Nicdao’s Vantage Magazine last March 6 at the Fashion Walk at Greenbelt 5 in Makati City, the pretty chinita came to support the event which featured an intimate portrait of her and Gerald in the exhibit. “Matagal na yan, nung Metro Magazine shoot pa namin yan. Okay naman kami ni Gerald. Yung samahan nandun pa rin. Yung communication nandun pa rin. Masaya ako para sa kanya kasi andaming magagandang nangyayari sa kanya ngayon and nakaka-proud. Ka-loveteam ko siya dati and now iyun,” she comments.
The slim 20 –year-old also shares how overwhelming it felt to be part of the Vantage exhibit and silent auction. “Masaya ako dahil parang dati ako lang yung nakatingin-tingin sa mga pictures na ganyan pero ngayon nakikita ko na yung self ko na nasa malaking event na ‘to. Siyempre si Mark Nicdao, ang galing na photographer sobra. Nakaka-proud na maging part ng ganitong event, na makita yung picture ko kasama sa maraming mga mukha na nandun,” she adds.
When asked how she felt when Gerald admitted that she was his first love on a recent TV guesting, Kim looked visibly surprised at the very public revelation. “Ang taray naman ni Gerald, hindi ko napanuod yan ha. Teka totoo ba yan? (laughs). Hindi ko alam, ngayon ko lang narinig. Teka lang, naloka ako. Siyempre thank you kay Gerald dahil sinabi niya yun. Siyempre nakakatuwa isipin na ganun pa rin yun. Siyempre nakaka-flatter and nakakatuwa pakinggan na may ganun,” she admits.
For her part, Kim also admits that she also considers the Buhawi Jack star her first love. “Sa part ko, siyempre. Oo naman siya,” she says. Despite both them being single again, the pretty chinita says the thought of a possible reconciliation in the future has not entered her mind, although she is not closing her doors on it either. “Depende sa tao and depende sa panahon at sa pangyayari. Hindi natin alam kung ano pa yung mangyayari. Pero naniniwala ako sa true love. Yun, yun talaga,” she shares.
With regards to the issue of Simon Atkins courting her, Kim says she has yet to really get to know the De La Salle University cager to be able to know if he could be considered as a future boyfriend. “Hindi ko pa alam. Tingnan natin. Okay naman siya. Funny and may sense of humor. May sense siya kausap, ganyan. Hindi pa kami nakakapag-usap talaga, busy rin kasi ang schedules namin,” she admits. Kim also felt flattered by the news that Simon is supposedly asking help from Enchong Dee to be able to ask her out. “Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin. Kung anong tamang word para dun pero salamat dahil naghahanap siya ng way para mag-meet kami, yun lang. I’m flattered. Hindi ko alam eh. Wala akong masabi (laughs). Hindi ko alam,” she shyly says. As of the moment, Kim says going into another commitment is the farthest thing from her mind at the moment. “Sa ngayon, nasa learning experience pa ako and ini-enjoy ko muna ito para pag dumating na yung tamang tao para sa akin, tama na yung pag-iisip ko, ganyan,” she says.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Kim Chiu gets her high school diploma

 Kahapon ay isang very special event ang dinaluhan ni Kim Chiu, ang kanyang high school graduation na ginanap sa Tanghalang Balagtas ng Folk Arts Theater. Kasama ni Kim na nag-graduate ang iba pang alternative learning students sa buong Manila. Naging speaker din ang teleserye princess sa nasabing event na naging very emotional during her speech. “Lagi nating tandaan na ang kahalagahan ng buhay ay hindi lang natin mararating sa ating sarili. Libre pong mangarap. Kaya sa lahat na may gustong abutin sa buhay, isipin na lang po natin na hindi imposibleng mangarap. Katulad ko, nangarap ako na magtapos ng pag-aaral kaya congratulations sa ating lahat,” naiiyak si Kim habang nagsasalita sa stage.

Dapat kasi ay 4th year high school na si Kim noon pagkatapos niyang manalo sa first teen edition ng Pinoy Big Brother. Napahinto sa pag-aaral si Kim dahil sa dami ng kanyang showbiz commitments. Minabuti ng young actress na mag-enroll sa special education na ino-offer ng DepEd at naging matagumpay naman si Kim sa kanyang pag-aaral.

“Ang sarap ng pakiramdam, ayan na siya. Ang tagal ko nang gustong maka-graduate. Ito talaga yung pangarap sa akin ng lola ko na bago ako pumasok sa showbiz makatapos ako kahit high school man lang, eto na, may gift na ako sa kanya. Hindi naman biro yung showbiz to education, tapos ang baba ng tingin sa akin ng mga tao. Kapag artista ka, easy money kaya di na sila nag-aaral. Sinasabi ang bobo, walang pinag-aralan pero ang gusto kong ipakita ay nag-aaral din naman kami, may mga pangarap din kami na makapagtapos,” emosyonal na pahayag ni Kim.

Paano nga ba pinagsabay ni Kim ang showbiz at ang pag-aaral? “Kapag dinner break, aral na lang. Pagkatapos ko basahin ang script, babasa naman ako ng lessons ko. Kapag walang work ay nag-aaral ako para sa exam,” kuwento pa ng aktres. Gusto raw ni Kim kumuha ng business course sa college dahil pangarap din niyang magtayo ng iba’t ibang business someday.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Gerald Anderson talks about current relationships with Kim Chiu, Bea Alonzo, and Sarah Geronimo

Gerald Anderson held a press conference for his 22nd birthday on March 7 before he proceeded to a gift-giving activity for young cancer patients in Quezon City. Asked for his birthday wish, the Fil-Am actor replied, “Sana tuloy-tuloy ang mga [magagandang] nangyayari sa akin ngayon. Pagpasok pa lang ng taon, sunud-sunod ang mga blessings na dumarating sa akin ngayon, so ayun sana tuloy-tuloy lang.”

Gerald also shared that the best material gift that he received is a massage chair from Kim Chiu. “Actually sabi nga ni Kim lahat nasa akin na, mahilig ako sa mga gadgets ‘yun ang naisipan niya [ibigay sa akin].” He continued that the massage chair was delivered to his home, but there was no card from Kim. Gerald added that he is already thinking of a gift for Kim, whose birthday is coming up this April. “Ako rin magbibigay rin ako sa kanila kasi malapit na ang birthday niya at lilipat na siya sa bagong bahay niya,” he said.

The action-drama prince also said that he does not feel jealous at all about Kim’s new admirer, basketball player Simon Atkins, who has been vocal about his admiration for the tsinita actress. “Hindi na po ako nagugulat… kung si Brad Pitt yayain si Kim kasi magandang babae si Kim,” he explained. “Marami pa ‘yan. Hindi lang si Simon.

“Kailangan lang tanggapin mag-move on o mag-focus sa trabaho,” he said referring to his past romantic relationship with Kim.

Gerald added that despite the painful controversies he and Kim went through last year, they are still able to remain close friends today. “Kumbaga marami nga kaming pinagdaanan na masama last year but it’s going to be a better road para sa aming lahat.” He went on to say that his friendship with Kim is like any other relationship that experienced trials but resolved differences in the end.

However, the actor refused to comment on the question about ever getting back with Kim. “Basta ang importante sa akin ang friendship namin ni Kim ay intact pa rin. Special si Kim and she will always be special.”

Some members of the press also asked Gerald if Bea Alonzo greeted him on his birthday, to which he said no. Gerald got romantically involved with Bea last year which resulted in a big controversy. He gave a safe answer when prodded about the current status of their relationship. “Okay kami. Kumbaga tapos [na ‘yung phase]. Moving on na kaming lahat,” and added that he and Bea parted ways amicably and that there are no more hard feelings between them. “Naging close din kami but maganda naman ang paghihiwalay naming lahat.”

On the other hand, Gerald was more comfortable when the  subject turned to Sarah Geronimo, his leading lady in his upcoming movie Catch Me, I’m In Love. He confirmed that Sarah approached him and greeted him a happy birthday last Sunday (March 6) on ASAP Rocks.

Gerald continued that the Pop Princess did not give him a gift but Sarah’s friendship is already enough for him. “Okay na sa akin ‘yung friendship niya. Kumbaga sobra kaming okay: lahat ng staff, crew, kasama si Sarah. Sobra akong nagpapasalamat kasi ‘yung friendship niya ‘yun ang binigay niya.”

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Kim Chiu speaks up on Sam Milby and rumored Valentine’s Day date with Gerald Anderson

Naging kontrobersyal ang photo na lumabas last Saturday sa twitter kung saan ay magkasama sina Kim Chiu at Sam Milby sa Taylor Swift concert. Doon kasi nagsimula ang balitang nag-date daw sina Sam Milby at Kim Chiu sa concert ni Taylor Swift. Sa lumabas na pahayag ni Sam ay naikuwento ng aktor na si Maja Salvador daw ang kumuha ng nasabing photo at ginamit ni Maja ang personal phone ni Sam para i-tweet ang  photo nila Kim.

Ngayon ay nagbigay na rin ng pahayag si Kim tungkol sa pagkaka-link niya kay Sam. “Nagkita lang kami doon sa Araneta coliseum and iyon, nakapasok kami sa gilid ng stage ni Taylor Swift, nahawakan namin siya. Magkasama kami sa linyang ‘yon, sa circle na ‘yon kasi binigyan kami ng V.I.P. bracelet,” kuwento ni Kim.

Samantala, isa rin ang basketball player na si Simon Atkins sa mga nali-link ngayon sa young actress, very vocal kasi ang binata sa kanyang paghanga kay Kim. Nagbigay na rin ng pahayag si Simon tungkol sa kanilang pag-uusap ni Kim last week sa telepono. “She was really nice, down to earth. She’s always laughing, really jolly girl. I like girls like that simple, walang arte,” seryosong kuwento ni Simon. Ayon naman kay Kim ay okay naman daw ang naging conversation nila ni Simon at nakakatawa raw ang basketball player.

Kumalat din ang balitang niyaya raw ni Gerald Anderson si Kim na mag-date sa isang events place sa Pasig  noong Valentines dahil sa dami ng lalaking nali-link sa young actress ngayon. “Hindi ko po alam, kasi kasama ko sina Maja noong araw na iyon. Nag-dinner kami sa bahay nila. Hindi ko alam kung sino ang nasa Glass Garden,” paglilinaw ni Kim. Willing daw siya na maghintay kung sino man ang lalaki ang tunay na magmamahal sa kanya. “Hindi naman ako naghahanap ng mamahalin sa buhay. Darating naman iyan sa tamang panahon. May nakalaang tao na magmamahal sa iyo at mag-aalaga sa iyo at hintayin na lang natin siya,” pagtatapos pa ni Kim.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Is Sam Milby dating Kim Chiu?

Last Sunday ay nanalo si Sam Milby ng 2nd place at 3rd place sa dalawang magkaibang division ng isang Motocross competition, ang Philippine NAMSSA Motocross series round 2. Masayang-masaya ang aktor sa kanyang napanalunan dahil kinabahan din daw siya sa nasabing kompetisyon.

Samantala, may balitang magka-date daw sina Sam at Kim Chiu sa katatapos pa lamang na concert ni Taylor Swift sa Araneta Coliseum. Mayroon daw kasing photo na lumabas na magkasama sina Kim at Sam sa nasabing event. Ano nga ba ang tunay na nangyari noong concert ng International singer? “I wanted to watch pero sold out talaga yung tickets. Si Ate Carress (Road manager ni Sam) said, Sam I was able to get tickets punta ka na dito. Okay, Kim and Maja (Salvador) told me they were watching. Hey! Where are you guys, let’s meet up, yun lang,” kuwento ni Sam. “Nakakatawa iyon, si Maja kinuha niya yung cellphone ko hoy! Ano, picture-an ko kayo. Sige, sige, she pictured us, took my phone and tweeted it from my phone. So yung mga tweets, nagde-date kayo ni Kim ngayon, pero it was a group of us, even afterwards, kumain kami, It was a group,” dagdag pa ng aktor.

Hindi naman masamang ma-link sa isa’t isa sina Kim at Sam dahil pareho naman silang single sa kasalukuyan. Kung mabibigyan ng pagkakataon, may plano kayang ligawan ni Sam ang young actress? “Cute naman si Kim and she’s nice naman. Cute siya, wala lang, we’re all friends lang naman, ganon lang. Sa ngayon hanggang doon lang, never kami nag-date or anything like that. Wala namang nangyayari na ganoon. We just worked together one time sa “Your Song”. Single naman ako, ready naman ako for love, di pa lang nangyayari. Dadating ‘yon, kung sino man ‘yon, naghihintay lang ako,” nakangiting pahayag ni Sam.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Empress denies not inviting Kim Chiu to her 18th birthday party

Ilang araw bago maganap ang kanyang debutante party ay nagkaroon ng mild accident si Empress sa kanyang bahay. Kuwento ng aktres, papunta siya sa comfort room sa kanilang bahay nang mabangga nito ang pinto na akala niya ay bukas. “Madilim, naglalakad ako, nabangga ko ‘yung glass door. Akala ko kase bukas siya. Nagkaroon ng minor injuries,” kuwento ng aktres sa The Buzz kahapon. Gayunpaman very thankful ang aktres na kahit nagkaroon siya ng stitches sa noo ay hindi seryoso ang aksidente niyang natamo.

Ipinaliwanag din ni Empress na hindi totoong hindi niya inimbita ang kaibigang si Kim Chiu sa kanyang birthday party. “January pa lang inilista ko na ‘yung 18 roses and 18 treasures ko and sinabi na ng handler ko na may gagawin na si Kim ng February 20. Sabi ko, ‘patay naunahan na ako.’ Siyempre kami pong mga artista hindi madaling ma-move ‘yung sched namin, so parang ngayon hopeful na lang ako na sana makaabot siya kung anong meron siya ngayon,” paliwanag ni Empress hours before her birthday celebration. Dagdag pa ng aktres, kung may mga lumalabas na kwento na nag-away daw sila ng grupo niyang Chiurigogobaschu— na kinabibilangan ni Melissa Ricks, Erich Gonzales, Kitkat at Beauty Gonzales—ay hindi ‘yon totoo. “Kahit ano pong lumalabas hindi lang po sa amin ni Kim, kahit sa aming grupo hindi po totoo lahat ‘yon.”

Hindi rin daw big deal kung wala siyang escort sa kanyan debut. “’Yung pagkakaroon ng escort hindi siya special, hindi siya big deal sa akin. Wala po akong special someone, never naman akong nagkaroon, so okay lang po na solo flight.”

Depende rin daw sa proyekto kung papayag na siyang makipag-kissing scene ngayong dalaga na siya. Pero kung pipili siya ng unang makaka-kissing scene ay gusto niya itong maging si Enchong Dee. “Kasi po si Enchong siya po talaga ‘yung pinaka-close ko na lalaki sa show business. Nung nagsa-start po siya, kami ang naging close, hanggang ngayon close kami. Nag-love team kami dati. Isa po talaga siya sa mga tina-trust ko na kaibigan. Kung magkakaron ng kissing scene hindi na kailangang mag-ilangan,” tapos ni Empress.

Naluha naman ang dalaga nang biglang handugan siya ng isang espesyal na awitin ng kanyang ama sa live show mismo ng The Buzz. 

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Kim Chiu reacts on basketball player Simon Atkins liking her

Mukhang nauuso ngayon ang ligawan sa Twitter dahil last week ay naging kontrobersyal ang palitan ng mensahe nina Phil Younghusband at Angel Locsin sa nasabing social networking site. Inimbitahan kasi ng football player via twitter ang aktres para isang romantic Valentine date at in-entertain naman ni Angel si Phil kaya pinag-usapan ito sa buong showbiz industry.

Isang panibagong athlete naman ngayon ang nag-post sa Twitter ng pangalan ni Kim Chiu with a smiley, ang basketball superstar na si Simon Atkins. Desididong makilala ni Simon ang aktres dahil nakiusap din daw ito sa kaibigan niyang si Josef Elizalde na ipakilala siya kay Kim. Ayon pa kay Simon ay hindi pa naman daw niya ini-invite ang young actress to go out on a date.

Kagabi, sa press launch ng produktong ini-endorse ni Kim ay naikuwento ng aktres na nagkausap na raw sila ni Simon sa telepono for the first time. “Actually ay hindi ko siya (Simon) kilala. Hindi ko alam, sinearch ko lang siya sa Google. Tapos yung isang friend niya, pinakausap siya sa akin. Sandali lang kasi may ginagawa rin ako. Sabi ko, bakit ko siya kakausapin eh hindi ko siya kilala,” natatawang pahayag ni Kim.

Ano kaya ang posibleng gawin ng aktres kung sakaling imbitahin siya ni Simon para sa isang date? “Di ko pa alam, depende,” maikling sagot ni Kim.

Paano kung seryoso na ang basketball player sa gagawin nitong panliligaw sa kanya? Handa na kaya si Kim na muling pumasok sa isang bagong relasyon? Si Simon na kaya ang papalit kay Gerald Anderson sa puso niya? “Hindi muna, hindi ko alam. Yung pagmamahal, yung boyfriend, darating at darating din iyan. Hindi hinahanap ‘yan. Darating na kusa iyan nang hindi mo sinasadya,” paglilinaw pa ng young actress.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Kim Chiu reacts on fan-snubbing incident

Noong isang linggo ay may lumabas na balitang nang-isnab diumano si Kim Chiu ng isang taga-hanga sa isang mall. Nagmula raw ang balita sa mismong ina ng fan na sinasabing na-isnab daw ni Kim noon. Isang kolehiyala raw ang fan na ito at kasama pa ang ilang mga kaibigang balikbayan nang maganap ang insidente. Parang wala raw kasing nakita si Kim nang tawagin nila ang aktres. Galit na galit daw ang ina at nagbanta pa na hindi na susuportahan ang mga projects ni Kim.

Ano kaya ang masasabi ni Kim sa isyung ito? “Hindi ko nga alam kung saan iyan, hindi ko alam ‘yan,” bungad ni Kim. Hindi raw talaga maiiwasan na hindi mapagbigyan o ma-greet ng aktres ang lahat ng fans na gustong bumati sa kanya. Kung may nangyari mang hindi maganda ay hindi naman daw ito sinasadya ni Kim.

“Nakakalungkot siyempre, kasi hindi naman lahat naririnig ko. Parang Hi Kim! Minsan mababa lang tapos hindi ka na makaka-hi back so akala nila suplada or something. Sa amin, hindi naman namin intensyon yun tsaka gusto pa rin naming kumaway sa kanila para matuwa sila,” paglilinaw pa ng young actress.

Humihingi naman si Kim ng paumanhin kung mayroon man daw siyang mga nasaktan sa nasabing insidente. “Pasensiya na po. Hindi ko naman intention na hindi mag-hi back sa kanila. Siyempre hindi naman lahat ng tao ay napi-please ko kasi tao lang naman ako eh, may pagkukulang din,” emosyonal na pagtatapos ni Kim.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments