Pages

Showing posts with label Sarah Geronimo. Show all posts
Showing posts with label Sarah Geronimo. Show all posts

Kim Chiu congratulates Sarah Geronimo and Gerald Anderson

Very successful ang first ever movie na pinagsamahan nina Sarah Geronimo and Gerald Anderson na Catch Me, I’m In Love kaya masayang-masaya ang dalawa sa suportang natanggap mula sa kanilang fans.

Maging ang dating kapareha ni Gerald na si kim Chiu ay masaya rin sa tagumpay na tinatamasa ng pelikula ngayon. “Masaya ako for them and congratulations! Sinabi ko naman iyon kay Gerald na sure akong blockbuster yun dahil siyempre Gerald tapos kasama niya pa si Sarah,” nakangiting pahayag ni Kim. Nagbigay din ng payo si Kim kay Gerald bago pa ipalabas ang pelikula sa mga sinehan. “Sinabi ko sa kanya na huwag siyang kabahan dahil sigurado akong blockbuster iyan,” kuwento pa ng dalaga. Hinding-hindi raw palalampasin ng young actress ang pelikula at siguradong panonoorin niya ito.

Samantala, ginulat ni Kim ang lahat sa kanyang sexy pictorials para sa Star Studio’s Sexiest Celebrities na kinunan kamakailan. Silang dalawa ni Gerald ang itinanghal na Sexiest Young celebrities. “Tiyan lang naman iyon, ‘tsaka pang-ano rin sa mga tao na lahat ng bumoto siyempre sayang naman yung daliri nila napudpod na sa kaboboto so sabi ko okay lang siguro mag-pose na ako ng ganito. Nagpapasalamat ako dahil ang daming text votes at ang daming bumoto,” paliwanag ni Kim.

May plano na ba siyang magtuloy-tuloy sa pagpapa-sexy o mag-pose for a men’s magazine? “Ay! Hindi, hindi po talaga ako magpo-pose for a men’s magazine. Nakakahiya yung katawan ko,” natatawang sagot ni Kim.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Gerald Anderson says Sarah Geronimo is 'girlfriend material'

Gerald Anderson was overwhelmed with surprise when he saw the legions of screaming fans at the premiere night of his movie Catch Me…I’m in Love last March 22. The following day, he and leading lady Sarah Geronimo graced a thanksgiving press conference where they both expressed their gratitude to everyone who supported the film. Gerald said, “Siyempre sa simula pa lang ng film maraming may ayaw, mga kumukontra, lalo na ‘yung mga fans. Pero ngayon nakita namin na lahat ng Kimerald, Ashloyd, Popsters ang sumuporta sa pelikula namin kaya we’re very thankful.”

Last year when reports of a Gerald-Sarah movie pairing first surfaced, many fans had violent reactions, particularly those who are loyal to Gerald’s longtime love team with Kim Chiu and the followers of Sarah’s big screen tandem with John Lloyd Cruz. But when production for Catch Me began and a trailer was released, more and more fans become excited over the project instead.

Another thing that Gerald is very thankful for is that Catch Me…I’m in Love paved for him to forge a friendship with Sarah. The two would only run into each other backstage at ASAP before but never had the chance to have a friendly chat. “Dito lang kasi sa project na ito nagkakilala talaga ni Sarah. I’m so thankful na because of this movie naging friends kami. Sana tuloy-tuloy na. If ever magkaka-project uli kami. Sarah is a nice person and she’s a great friend,” said the young actor.

Given that Gerald and Sarah are both single at the moment, and they seem to have a great chemistry together, many are curious about the possibility of romance in real life. Gerald clarified that he signed up for the movie project without any personal agenda. “Pareho kami ni Sarah na pumasok sa movie na ito na ang gusto lang namin is maging successful. Trabaho lang talaga.” But the Action Drama Prince would rather leave everything to fate. “Pero hindi naman natin napaplano. Kung may ibang babae para sa akin o ibang lalaki para kay Sarah, hindi natin masasabi sa ngayon.”

Any man would find it very easy to be attracted to Sarah, according to Gerald. “Sarah is girlfriend material. Lahat ng qualities na pwedeng magustuhan ng isang lalaki sa isang babae, meron si Sarah. She’s pretty, talented, down-to-earth, mabait,” he said. Gerald, however, would rather not comment on the still controversial past relationship of Sarah with Rayver Cruz. “Labas na po ako diyan,” said Gerald.

During the filming of Catch Me…I’m in Love, Gerald said that Sarah’s parents, Delfin and Divine Geronimo, were very nice to him. Daddy Delfin and Mommy Divine have been known to be very protective of their daughter, but Gerald said he understands if they’re that way with the Pop Star Princess. “Mabait sila. Very supportive sila sa bawat eksena namin. Sobra nilang inaalagaan si Sarah. Sobrang bilib ako. Mahigpit sila pero dapat lang. Kung anak ko si Sarah talagang aalagaan ko. Bilib nga ako sa pamilya nila.”

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Rayver Cruz is happy that Cristine Reyes and Sarah Geronimo reconciled

Rayver Cruz said that he is glad that current girlfriend Cristine Reyes and ex-girlfriend Sarah Geronimo finally ended their rift last Sunday, March 20, at the backstage of ASAP. Rayver did not witness the reconciliation because he was inside his dressing room when the incident happened and that he was only told about it a little after it happened.

“Hindi ko nga alam, nasa dressing room [ako]. Pero nung sinabi sa akin, eh ‘di happy ako para sa kanila, para sa kanilang lahat, para sa lahat. Basta happy ako,” he explained.

At the time of the interview, Rayver said that he and Cristine have not yet talked about the incident. “Hindi kami masyadong nakakapag-usap ni AA (Cristine) ‘pag sa ASAP, eh kasi iba ‘yung room namin.”

Push.com.ph was among the few who saw the emotional episode. Sarah called out to Cristine who was heading to the ASAP stage at that time. Sarah then hugged Cristine and said sorry while she was trying to hold back tears. Cristine accepted Sarah’s apology and then she also apologized to Mommy Divine, who was a few steps away from them.

Rayver explained that he was not surprised when he learned that Sarah was the one who made the first move. “Ever since naman ganun naman talaga ‘yun,” Rayver described Sarah. The actor stressed that since Sarah and Cristine are okay now, he is hoping that others will also forget about the issue and move on. “Tapos na, let’s put it sa past na. Matagal na ‘yon di na kailangang ibalik-balik pa,” said Rayver.

Meantime, the actor revealed that he and Cristine recently went on  a trip to Bangkok together with some of their friends. He added that he enjoyed the trip a lot and that it was a well-deserved break for both of them after working hard on their respective careers.  “Kinailangan din namin ‘yon kasi ‘yun na ang pinakapahinga din namin so, enjoy.” He said that they only stayed there for three days, but he is still thankful for the break even if it was just short.  “Kahit simpleng three days malaking bagay na ‘yon,” he said.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Sarah Geronimo apologizes to Cristine Reyes

Isa ang push.com.ph sa ilang nakasaksi sa pagbabati nina Sarah Geronimo at Cristine Reyes sa ASAP backstage, ngayong March 20.  Hindi inasahan ng mga nasa paligid na kinabibilangan ng ilang artista ang pagsasalubong ng dalawa at pagbabati. Nang magsalubong ang dalawa, unang tinawag ni Sarah si Cristine at humingi ito ng sorry. “Miss Cristine, bati na tayo,” ma-emosyunal na sambit ni Sarah sabay yakap sa sexy actress. Nangilid ang luha ng dalawa sa kanilang pagbabati. Later that day ay nag-guest si Sarah sa The Buzz at ikinuwento ang iba pang detalye.
“Matagal na matagal ko na siyang gustong makausap, pagkatapos ng lahat ng gulo, gusto ko na talagang mag-sorry sa kanya,” kuwento ni Sarah. “Walang pagkakataon po kasi marami rin kasing nagsasabi na masyado rin kasing masakit ang nangyari na kung ako ‘yung mauuna ganon. Pero ako sa sarili ko gustong-gusto ko nang mag-sorry para matapos na. Alam kong nasaktan din siya kaya kailangan ko ding mag-apologize.” 
Kuwento ni Sarah, naiwan ng kanyang makeup artist (na makeup artist din ni Cristine) ang eye liner sa kanyang makeup room. Nakakita ng pagkakataon si Sarah at isasauli na sana ang nasabing eyeliner kay Cristine at eksakto namang nakasalubong niya ang aktres. “So nagtinginan kami. Parang umiwas pa siya,” bungad ni Sarah. “Siyempre may takot din sa akin. Tatanggapin kaya niya? Masasaktan kaya ako? Ano kaya ang mangyayari? So niyakap ko na lang siya, hindi ko na siya pinakawalan. Sabi ko Cristine wala talaga akong intensyon (na makasakit)…”
Sa wakas din ay nagbigay ng kanyang pahayag si Sarah hinggil sa pagbibiro niya dati sa ASAP rehearsals na ang magaling sumayaw ay lapitin ng seksing babae na tinutukoy ang dating boyfriend na si Rayver Cruz. Dahil sa nangyaring iyon ay nagalit si Cristine at nagpakawala ng matatapang na statement laban sa singer actress. “’Yung biro ko sa stage na ‘yon nung rehearsal, sine-set ko lang ‘yung mood na okay na tayo Ray (Rayver), ah. Tsaka ‘yung joke ko na ‘yon kay John (Prats) din ‘yon at Rayver ‘yung magagaling na sumayaw lapitin talaga ng magagandang at seksing babae, wala akong ibang ibig sabihin non at ‘yun ang gustong-gusto kong ipaliwanag kay Cristine.” 
Idinagdag din ni Sarah na humingi rin ng sorry si Cristine kay Mommy Divine sa tagpong iyon. Ikinuwento pa niya na sinabi pa niya kay Cristine na nauunawaan niya ang mga naging reaksyon nito noong mga nakaraang isyu dahil nagmamahal ito dahil nagmahal din siya noon kay Rayver na boyfriend ngayon ni Cristine.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Gerald Anderson reveals what he finds attractive about Sarah Geronimo

Gerald Anderson and Sarah Geronimo admitted in their interviews that they have grown more comfortable with each other while shooting for their highly anticipated movie Catch Me, I’m In Love which is coming up this March 23.
Gerald revealed that during their first shooting days, Sarah was uneasy with him, until she committed a blooper which helped them be more at ease with each another. The actor shared that in a scene where their faces needed to be really close, Sarah tried to suppress a laugh so she accidently sprayed saliva on Gerald’s face. “Sabi ko nga buti na lang nangyari ‘yon kasi kumbaga ‘yun ang ice-breaker and ‘yun simula no’n mas naging magaan,” shared Gerald and then joked, “Siguro magandang way din ‘yon, gagawin ko rin ‘yun sa mga leading lady ko.” The scene that the actor was referring to was the one shown in the trailer when he caught Sarah from falling when he opened the car’s door.
Gerald also said that he really admires Sarah’s family, specifically Mommy Divine, who is always with the Pop Star Princess to attend to her needs while shooting. “Pinoy [trait] kumbaga, mas nakaka-attract ‘yung mas conservative na babae na mahal ‘yung pamilya.”
He denied that the over-protectiveness of Sarah’s parents has hindered him from getting close to the singer-actress. “Sa akin, like I said, mas na-attract ako sa mga ganung sitwasyon, conservative. Bata pa lang si Sarah ganun na, she’s very lucky to have parents like that.” Gerald continued that he believes that Sarah’s parents did a great job in raising her to be down-to-earth and caring and is glad that he is friends with Sarah. “Sa ngayon friends lang kami. Sobra ko siyang ina-admire talaga.” He described Sarah’s family as really loving and added that he is also friends with the singer’s parents.
Since Gerald is also a good friend of Rayver Cruz, some members of the press asked Gerald during his recent birthday press con if he and Sarah sometimes talk about the Rayver, who is Sarah’s ex-boyfriend. “Wala. Hindi namin pinag-uusapan ‘yan kumbaga gusto namin magaan ‘yung set,” he answered.
He also added that there is no reason for him to worry about being caught up in the middle of Sarah and Rayver’s issues. “Hindi naman. Hindi naman ako kasama sa sitwasyon, kung anuman ang nangyayari. Kaibigan ko si Rayver, leading lady ko si Sarah, but magkahiwalay ‘yon.”

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Sarah Geronimo prefers not to compete with Angeline Quinto

Unang naglaban sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto way back in 2002 nang pareho silang sumali sa isang prestigious singing competition at kung saan si Sarah ang nanalo. Pero last week sa ASAP Rocks, March 6, ay muling nagsama ang dalawa sa stage para sa isang duet.
Tuloy, lumikha ng isyu at ikinumpara kung sino ang mas magaling sa dalawa. May mga isyu pa ngang threatened daw si Sarah kay Angeline na siyang nanalo sa Star Power just recently. “Masama ‘yung iniisip na may threat. Hindi maganda ‘yung ganung ugali,” bungad ni Sarah sa panayam ng The Buzz.
Dagdag pa ni Sarah, masaya siya para kay Angeline na sa kanyang mga panayam ay inamin na ilang beses nang natatalo sa mga competitions. “Sabi ko nga sa kanya sa wakas talaga. Lalo na ‘yung narinig ko ‘yung nangyari. Masakit sa akin na marining kung ‘yun ang nangyari at itong pagkapanalo ay sobra akong natutuwa,” kuwento ni Sarah tungkol kay Angeline.
Hindi rin itinanggi ni Sarah na kinabahan siya sa duet nila ni Angeline sa ASAP Rocks nung nakaraang linggo. “’Yung duet namin nanginginig ‘yung tuhod ko, hindi naman kasi kami dapat kabahan pero alam mo naman laging ganun, laging pinagso-showdown, contest ulit. Sana hindi na ganun sa susunod na production number namin together para magawa namin maayos,” pakiusap ng Pop Princess.
Alam din niya na lagi silang ipagkukumpara ni Angeline pero hindi na ikagugulat ito ni Sarah kung kaya’t mas gusto na lamang niya na pagbutihin ang kanyang trabaho. “Lahat naman tayo laging may darating na mas okay, mas okay sa ‘yo. ‘Yun ‘yung challenge sa ‘yo. Lagi mong i-sustain kung anong meron ka at ipagdasal mo rin kung ano ‘yung plano sa ‘yo ng Diyos, at saka healthy competition lang. Masasabi ko lang

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Gerald Anderson talks about current relationships with Kim Chiu, Bea Alonzo, and Sarah Geronimo

Gerald Anderson held a press conference for his 22nd birthday on March 7 before he proceeded to a gift-giving activity for young cancer patients in Quezon City. Asked for his birthday wish, the Fil-Am actor replied, “Sana tuloy-tuloy ang mga [magagandang] nangyayari sa akin ngayon. Pagpasok pa lang ng taon, sunud-sunod ang mga blessings na dumarating sa akin ngayon, so ayun sana tuloy-tuloy lang.”

Gerald also shared that the best material gift that he received is a massage chair from Kim Chiu. “Actually sabi nga ni Kim lahat nasa akin na, mahilig ako sa mga gadgets ‘yun ang naisipan niya [ibigay sa akin].” He continued that the massage chair was delivered to his home, but there was no card from Kim. Gerald added that he is already thinking of a gift for Kim, whose birthday is coming up this April. “Ako rin magbibigay rin ako sa kanila kasi malapit na ang birthday niya at lilipat na siya sa bagong bahay niya,” he said.

The action-drama prince also said that he does not feel jealous at all about Kim’s new admirer, basketball player Simon Atkins, who has been vocal about his admiration for the tsinita actress. “Hindi na po ako nagugulat… kung si Brad Pitt yayain si Kim kasi magandang babae si Kim,” he explained. “Marami pa ‘yan. Hindi lang si Simon.

“Kailangan lang tanggapin mag-move on o mag-focus sa trabaho,” he said referring to his past romantic relationship with Kim.

Gerald added that despite the painful controversies he and Kim went through last year, they are still able to remain close friends today. “Kumbaga marami nga kaming pinagdaanan na masama last year but it’s going to be a better road para sa aming lahat.” He went on to say that his friendship with Kim is like any other relationship that experienced trials but resolved differences in the end.

However, the actor refused to comment on the question about ever getting back with Kim. “Basta ang importante sa akin ang friendship namin ni Kim ay intact pa rin. Special si Kim and she will always be special.”

Some members of the press also asked Gerald if Bea Alonzo greeted him on his birthday, to which he said no. Gerald got romantically involved with Bea last year which resulted in a big controversy. He gave a safe answer when prodded about the current status of their relationship. “Okay kami. Kumbaga tapos [na ‘yung phase]. Moving on na kaming lahat,” and added that he and Bea parted ways amicably and that there are no more hard feelings between them. “Naging close din kami but maganda naman ang paghihiwalay naming lahat.”

On the other hand, Gerald was more comfortable when the  subject turned to Sarah Geronimo, his leading lady in his upcoming movie Catch Me, I’m In Love. He confirmed that Sarah approached him and greeted him a happy birthday last Sunday (March 6) on ASAP Rocks.

Gerald continued that the Pop Princess did not give him a gift but Sarah’s friendship is already enough for him. “Okay na sa akin ‘yung friendship niya. Kumbaga sobra kaming okay: lahat ng staff, crew, kasama si Sarah. Sobra akong nagpapasalamat kasi ‘yung friendship niya ‘yun ang binigay niya.”

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Will Sarah Geronimo agree to do a kissing scene with Gerald Anderson?

Box Office Queen Sarah Geronimo will soon return to the big screen with new leading man Gerald Anderson in the next Star Cinema offering Catch Me…I’m In Love. Coming from the success of her big screen pairing with John Lloyd Cruz, Sarah was relieved when she learned that many fans are excited over her new partnership with Gerald. “Kung nakikita nga ng mga tao na may chemistry sa amin ni Gerald, para sa aming dalawa, relieved kami. Masaya kami na ngayon pa lang meron nang natutuwa sa pagsasama namin.”

This project enabled Sarah and Gerald to get to know each other and become good friends—they even have pet names for each other. “Nagsimula ‘yun nung concert ko. Naririnig ko kasi na ‘yung mga tao ang tawag sa kanya, ‘Ge.’ Sabi ko sa kanya para maiba naman, tatawagin ko siyang, ‘Ge-Ge.’ Sabi ko rin na kung gusto niya, pwede niya akong tawaging ‘Sasa’ ha ha ha!”

The Pop Star Princess and the Action Drama Price have both been mainstay stars of ASAP for the past few years now, but the busy pace backstage of the program had prevented them from having the chance to sit down together and enjoy a friendly chat. Now because of the shooting days for Catch Me…I’m In Love Sarah discovered something about Gerald. “Very professional si Gerald. Kapag gagawin na namin ‘yung eksena mararamdaman mo talaga ‘yung dedication niya para mapaganda ‘yung eksena. Napaka-gentleman din niya.”

She added the despite the long hours of shooting, everyone on the set still manage to have fun. “Napaka-stress-free ng mood sa set. Kahit na napaka busy na namin lahat dahil napakalapit na ng play date, masaya pa rin kami lahat na nagtatrabaho. Masaya ang lahat. Kaya ‘Thank you, Lord!’ sa lahat ng aming katrabaho.”

With her wholesome image, Sarah has chosen not to do daring scenes and go sexy in her movies. But would she finally agree to do a kissing scene with her leading man? “Ha ha ha! Hindi ko po alam! Hindi pa namin alam pareho ang magiging ending ng movie. Ha ha ha!” Sarah laughed.

Sarah explained that at this point in her career she feels that she can still do away without kissing scenes. “Lagi ko naman pong sinasabi na, nagawa naman namin sa A Very Special Love at sa You Changed My Life [na walang kiss]. Sana dito magawa namin ng maayos.”

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Cristine Reyes says she and boyfriend Rayver Cruz are still affected by the issue concerning Sarah Geronimo

Pinaninindigan ni Cristine Reyes na hindi sila nagsabay ni Sarah Geronimo na maging girlfriend ng current boyfriend ng sexy actress na si Rayver Cruz. Sa panayam sa kanya ng The Buzz, sinabi ni Cristine na break na sina Rayver at Sarah bago naging sila ng aktor. “Kung wala naman pong nangialam hindi naman po mangyayari ‘yon, kasi hindi naman intensyon ng tao (Rayver) na pagsabayin talaga. And paano pagsasabayin, naging kami September 14. I think nag-break sila (Sarah at Rayver) summer last year,” paglilinaw ni Cristine. Dagdag pa ng sexy actress, napatunayan naman niyang wala siyang kasalanan sa paghihiwalay nina Rayver at Sarah.

Naitanong din kay Cristine kung nagpapasaring pa rin siya kay Sarah sa kanyang Twitter account ngayon matapos ang kanyang mga pasaring kay Sarah noong Disyembre ng nakaraang taon. Ani Cristine, marahil nag-iisip lang ang ibang tao ng ganon pero nilinaw niya na hindi niya pinapasaringan ang Pop Star Princess.

Hindi naman ipinagkaila ni Cristine na apektado pa rin sila ni Rayver sa mga pangyayari, partikular na ang pagsasalita kamakailan ni Sarah at ng kanyang ina hinggil sa pagbi-break nila ni Rayver. “Siyempre hindi naman alam ng mga tao. Hindi naman kami nakikita ‘pag wala sa camera, nasasaktan din kami,” himutok ng aktres. “Tingin kasi ng mga tao porke’t nagalit ka, nakapagsalita ka ng ganong bagay masama ka nang tao. ‘Di naman ganun ‘yun eh. Para sa akin siguro nadaan ko lang sa pulso ko ‘yung galit pero it doesn’t mean na masama kang tao.” Kilala kasi si Cristine sa pagiging prangka at sinasabi kung ano ang kanyang saloobin.

Sa patuloy na paglaki ng isyung kinasasangkutan nila, hangad lamang ngayon ni Cristine na matapos na ang kontrobersiyang ito. “Wish ko lang matanggap na lang po ng iba na masaya na kami. Matanggap nila na wala po kaming kasalanan sa kanila. Matanggap nila na hindi namin ginusto ang mga nangyari before.

“Naiparating lang po namin na hindi nila kami dapat sabihan ng kung ano-ano kasi wala naman po kaming kasalanan. ‘Yun lang po ‘yung sa amin. Tama na. Gusto ko nang matapos ‘yung isyu para tahimik kaming lahat. Nasabi ko na ‘yung dapat kong sabihin, naparating ko na ‘yung gusto kong maparating. Siguro time na para mag-move on na tayong lahat,” mahabang paliwanag ni Cristine.

Samantala, tumanggi naman siyang magbigay ng pahayag nang tanungin kung may mensahe siyang gustong sabihin kay Sarah.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments