Pages

Showing posts with label Shaina Magdayao. Show all posts
Showing posts with label Shaina Magdayao. Show all posts

John Lloyd Cruz shares his Valentine’s date with Shaina Magdayao

Last week ay madalas tanungin ang showbiz couple na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao kung paano nila ise-celebrate ang Valentine’s Day, pero wala pa raw silang concrete plans para dito. Kahapon sa isang pictorial ay naikuwento ni John Lloyd kung paano sila nag-celebrate ni Shaina ng kanilang first ever Valentine’s Day as a couple. “Kami ni Shaina, we celebrated Valentine’s Day noong Sunday, the day before. After work, sinundo ko siya and we went to church, nanood ng sine and then kumain kami sa labas. Very simple pero ganun, kung paano namin ginusto. Napaka-simple lang pero normal lang, para kaming normal na tao,” kuwento ni John Lloyd. Binigyan daw ng aktor si Shaina ng paborito nitong bulaklak na Tulips.

Nasa Imortal taping daw si John Lloyd noong mismong Valentine’s Day at naikuwento rin ng aktor na marami raw natanggap na bulaklak ang kanyang leading lady sa serye na si Angel Locsin. “We celebrated Valentine’s Day, kasama ang cast ng Imortal and our staff and crew pero wala naman sa set namin, may ilang nagbigay ng chocolates. Si Angel, balita ko maraming natanggap ng flowers,” pagde-detalye pa ng binata.

Hindi raw kataka-takang maraming lalaki ang nagpaparamdam kay Angel ngayon dahil bukod sa maganda na ay mabait pa ang aktres. “I’m sure maraming lalaking naiinggit sa akin ngayon, kaya if you want to do business with me para mapalapit kay Angel, okay lang naman sa akin,” nakangiting pahayag ni Lloydie.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Kapamilya stars join BIR’s campaign on paying taxes on time

Kahapon ay pormal nang inilunsad ang tax campaign ng Bureau of Internal Revenue na may theme na “Buwis Mo Para Sa Bagong Pilipinas”. Isa itong kampanya ng B.I.R. para ma-meet nila ang target na 940 billion collection for this year. Ginanap ang nasabing event sa Trinoma Mall at dinaluhan ito ng ilang Kapamilya stars like John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao at KC Concepcion.

Todo ang suporta na ibinibigay ngayon ni John Lloyd sa B.I.R. kahit na nagkaroon ng problema sa pagitan niya at ng ahensya noong isang taon. “Nagpapasalamat tayo kasi na-invite tayo dito ng B.I.R. Nagpunta kami rito kasama ng mga iba pang artista like si KC Concepcion, Jaya, para sumuporta sa isinusulong ng B.I.R. na makapagbayad tayo on time. Akala mo kasi February pa lang pero April mabilis lang iyan. Sana ay makapagbayad lahat on time para maiwasan ang mga problema. Mga hindi inaasahang problema with the B.I.R., iyon ang ayaw nating mangyari,” pahayag ni John Lloyd.

Natutuwa rin si B.I.R. commissioner Kim Jacinto-Henares dahil pinaunlakan ng ilang celebrities ang kanilang invitation para makatulong sa kanilang campaign. “Every year we have celebrities in part of the campaign. I guess, it made them more conscious about their tax obligations,” pahayag naman ng commissioner. Umaasa ang Bureau of Internal Revenue na magiging matagumpay sila ngayong taon sa pangongolekta ng tamang buwis.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments