Pages

Showing posts with label Vice Ganda. Show all posts
Showing posts with label Vice Ganda. Show all posts

Xian Lim feels flattered that he’s Vice Ganda’s new crush

Xian Lim still can’t get over his weeklong stint as a guest judge on Showtime. He thanked the live audience and TV viewers who had a great time watching him play different kinds of musical instruments as his daily “sample.” “Nagpapasalamat ako sa napaka-warm na pagtanggap sa akin ng mga madlang people. Sa Showtime, I was very happy na nabigyan ako ng chance na ipakita ‘yung iba kong skills na hindi ko usually naipapakita. Sa mga sample ko naipakita ko na I can play the piano, guitar, other kinds of musical instruments. I’m very happy na hinahayaan nila akong sa sample ko. I love Showtime!”

Aside from being an actor, model, and basketball player, Xian is also a music lover. The actor had previously revealed his plans of taking up a music course should his schedule permit him. If ever he would be asked again to guest again on Showtime, the 22 year-old promised that he still has many “samples” in store to surprise the madlang people. “In case gusto pa nila akong bumalik, I promise na marami pa akong nakahandang sample para sa lahat. Masaya talaga ‘yung show, everyone’s enjoying, the hosts, mga hurado. Nung last day ko nga nalungkot talaga ako. Kaya nung na-invite ako uli para sa birthday ni Vice I was very happy.”

Aside from his samples, Xian also charmed the audience most especially the girls with his good looks. In a span of just a week, Xian’s exposure in Showtime made him the new “crush ng bayan.” “Thank you! Thank you talaga!” was all he could say when told about this.

Mainstay judge Vice Ganda even declared that Xian is now his new crush. When asked if he is willing to play leading man opposite the comedian, Xian said, “I will be really happy kung sabihin niya. As long as magiging maganda, ‘yung samahan ng lahat, kung alam kong mage-enjoy talaga ako, I will do it.”

Xian shared that since his stint in Showtime, he and Vice have started to become good friends and would often communicate through text and Twitter. “Nagkakamustahan pa rin kami sa text, sa Twitter. Maganda ang samahan namin ni Vice,” said the actor.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Vice Ganda clears issue about failing to attend an event

May mga lumabas na balitang hindi raw sumipot si Vice Ganda kamakailan sa isang concert event sa FEU (Far Eastern University) kung saan ay hinintay ang komedyante ng kanyang mga fans. Marami raw ang nagtampo kay Vice sa hindi nito pagsipot sa nasabing event. Ayon naman kay Vice ay wala raw siyang natanggap na kahit anong imbitasyon mula sa organizers ng event.

“Hindi totoong may show, foundation day ng FEU. Tapos mayroon silang concert. Ang magpe-perform si Kean (Cipriano), pero di nila ako in-invite. Although gusto ko ring pumunta at gusto ko ring maging bahagi. Tapos niyaya ako ni Kean, sumama lang ako sa event na iyon. Tapos umulan, di natuloy yung event tapos ni-reschedule nila. Yung mga taong nakakita sa akin akala part ako ng event na hindi natuloy kaya noong ginawa ulit, noong itinuloy na, in-expect nila akong dumating eh hindi naman talaga ako bahagi ng programang iyon,” pagde-detalye ni Vice Ganda.

Ano kaya ang naramdaman ng komedyante sa pangyayaring ito? “Na-frustrate lang ako sa ibang naghintay kasi ang daming nag-tweet sa akin na inabangan ka namin, ikaw lang ang inaabangan namin pero di ka nagpunta. Sumama lang loob ko sa organizers. Alam nilang maraming nag-e-expect, and I’m sure narinig nila. Sana nilinaw na nila agad na hindi ako kasali talaga. Although di nila na-plug na kasali ako pero di rin nila dineny na hindi ako makakarating dahil umuulan, eh hindi naman talaga yung ulan ang dahilan kasi hindi naman ako bahagi ng programa,” paglilinaw ni Vice.

Humingi na raw ng paumanhin ang ilang organizers kay Vice dahil sa mga nangyari. “May mga nag-tweet din sa akin sa mga organizers, nag-a-apologize. Hindi raw sila nag-promote na kasama ako sa event pero may mga umaasa pa rin. Okay lang naman, charge to experience kaysa makipag-away. Sa susunod na lang na may event sa FEU, kung kakayanin ko susuporta pa rin ako,” pagtatapos ng komedyante.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments