Pages

Showing posts with label Piolo Pascual. Show all posts
Showing posts with label Piolo Pascual. Show all posts

Gabby Concepcion says he hopes Piolo Pascual and KC Concepcion stay happy

Pagkatapos ng teleseryeng Kung Tayo’y Magkakalayo noong isang taon ay pansamantalang nagpahinga muna si Gabby Concepcion sa kanyang showbiz career. May mga lumabas na balitang tuluyan na raw iiwan ni Gabby ang pag-a-artista. Saan nga ba nagpunta ang aktor at ano ang kanyang pinagkaka-abalahan? “Kararating ko lang galing America, nag-bakasyon ako at namimili ako ng istorya. Siyempre naano ako sa audience ko, I owe it to them. Tulad ng pangako ko, gagawa lang ako kapag maganda para kakaiba,” pahayag ni Gabby.  Naghihintay lamang daw siya ng magagandang projects.

Ngayon ay nag-taping na si Gabby para sa longest drama series in Asia, ang Maalaala Mo Kaya na mapapanood na sa April 2. Maganda raw kasi ang istorya at gusto rin ng aktor ang role niya dito. Makakasama ni Gabby sa episode sina Bangs Garcia, Frenchie Dy at Rodjun Cruz.

Kamakailan ay nabanggit ni Piolo Pascual sa kanyang pahayag na gusto niyang makausap si Gabby tungkol kay KC Concepcion at sa kanilang relasyon. Ngayon ay nagbigay na rin ng reaksyon si Gabby tungkol sa relasyon nina Piolo  at KC  sa kauna-unahang pagkakataon. “Basta masaya sila, okay sa akin iyon. Importante maging matibay sila sa intriga dahil ngayon, nalaman na sila. Pareho naman silang mabait na bata, okay lang. I’m sure it will work out,” seryosong pahayag ni Gabby. Botong-boto rin daw siya kay Piolo para kay KC. “Oo naman. Walang problema basta kung saan sila masaya, iyon ang importante,” pagtatapos pa ni Gabby.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Sharon Cuneta talks about Piolo Pascual and Baby Miguel, the ‘new’ men in her family

Masaya si Megastar Sharon Cuneta sa ginawang pag-amin nina Piolo Pascual at KC Concepcion tungkol sa kanilang tunay na relasyon kamakailan. Noong una ay na-sorpresa raw si Mega pero natutuwa siya dahil very responsible naman daw talaga ang dalawa.

Natutuwa si Mega na si Piolo ang karelasyon ng kanyang anak at very welcome daw si Piolo sa buong pamilya ni Ate Shawie. “Piolo, he’s welcome. He’s part of our family in a way kahit hindi officially. Ang pakiusap ko lang, PJ, she was my princess before she became yours and she will always be, and I love her to death. Please just love her and then we will love you,” pakiusap ng Megastar sa aktor.

“My wish for them is that huwag nila masyadong iisipin ang lahat ng opinion ng mga tao, ke napakaganda o hindi maganda. Hindi nawawala sa showbiz ‘yun. I want them both to be happy. They have my full support,” dagdag pa ni Sharon.

Samantala, naikuwento rin ng megastar na malapit na raw maayos ang adoption papers ng kanyang baby boy na si Miguel. Sobrang happiness daw ang naibibigay ni Baby Miguel sa kanya at sa kanilang buong pamilya. “Na-submit na namin yung aming application na gusto naming maging parents niya. Talagang we went through the legal process na walang pandaraya, so we just want him very much in our lives. Si Miguel ngayon ang love ko eh, I’m so in love with Miguel. Walang ginawa kundi magsabi ng Mama, mama, mama. Kiss nang kiss,” nakangiting kuwento pa ni Ate Shawie.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Piolo Pascual is looking forward to seeing KC Concepcion on his Valentine concert

Noong isang linggo ay naging successful ang pagtatapos ng teleseryeng Noah dahil sa magandang feedback sa programa.  Sa ngayon ay pahinga muna si Piolo Pascual sa paggawa ng teleserye, pero mayroon ibang pinagkaka-abalahan ang aktor ngayon. Pinaghahandaan ni Piolo ang kanyang series of shows na gagawin sa Amerika. “Punta muna ako sa States, magtu-tour ako. I’m doing six shows in March, puro America lang,” bungad ni Piolo.

Bukod sa concert tour abroad ay dalawang pelikula rin ang susunod na gagawin Piolo at sa America rin daw kununan ang isa dito. “I’m doing a movie while I’m there. Pagbalik ko ay simulan ko yung movie dito by April. Di pa napa-finalize yung casting. Malalaman natin, wala pa kaming artista. Wala pa yung final concept kung sino at ano ang istorya. But I’m still looking forward to working with Kim Chiu because nakakasa na yun eh kumbaga,” pahayag pa ng aktor. Magsisimula na rin daw gawin by April or May ang Bagong TV show ni Piolo.

Looking forward ngayon si Piolo sa pagdating ni KC Concepcion sa kanyang Valentine Concert na gaganapin sa PICC on February 14. “I’m so excited, we wanted to get her as a guest kaso nga siyempre she opted to just watch, being in the audience, and I think it’s sweeter because hindi trabaho. She’s just really there to watch,” pagtatapos pa ng aktor.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments