Pages

Showing posts with label Angelica Panganiban. Show all posts
Showing posts with label Angelica Panganiban. Show all posts

Angelica Panganiban reacts to the issue linking Derek Ramsay to Aifa Medina

Kamakailan ay na-link naman si Derek Ramsay sa isang member ng Sexbomb dancers na si Aifa Medina. Nakita raw kasi ang dalawa na magkasama sa isang lugar sa Tondo. Nagbigay na ng pahayag si Derek tungkol sa isyu at wala raw katotohanan ang nasabing balita.

Ngayon ay ang girlfriend naman ni Derek na si Angelica Panganiban ang nagbigay ng reaksyon sa pagkaka-link ng kanyang boyfriend kay Aifa. “Nagulat kaming dalawa kasi noong lumabas daw yung balita, nasa Boracay siya talaga. So sobrang imposibleng mangyari na may pinuntahan siyang girl. Pinahanap niya sa akin sa internet kung ano ang itsura ni Aifa, sabi niya kasi mamaya kilala pala niya kasi sobrang friendly ni Derek. So noong nakita niya yung picture sabi niya, ‘di ko nakita iyan, ‘di ko kilala iyan,” kuwento ni Angelica.

Ngayong holy week ay hindi magkasama sina Angelica at Derek kaya naman daw tiyak na hindi pa rin mawawala ang mga nang-i-intriga tungkol sa kanilang relasyon. “Yes, Diyos ko, sanay na ako. Para na nga lang akong sounding board para sa mga taong walang magawa sa buhay. Paulit-ulit na lang siyang dejavu sa akin yung lahat ng intriga. Sa lahat naman ng binabato nilang intriga at tsismis na hindi magaganda, maganda naman ang ibinabalik sa akin ni Lord,” nakangiting sagot pa ni Angelica.

Last Wednesday night ay umalis na si Angelica papuntang America para sa Star Magic 18 U.S. concert tour. Excited at masaya ang dalaga dahil muli raw silang magkikita ng kanyang biological father na based in U.S. “Sobra kasi hindi lang siyempre makakapagbigay kami ng saya at makakapag-reachout kami sa mga kababayan natin sa America, siyempre kami may mga kamag-anak din kami doon so parang family reunion din siya,” pagtatapos ng aktres.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments

Angelica Panganiban stresses she has no nude photo circulating on the internet

Hindi raw natatakot si Angelica Panganiban sa muling paglabas ng diumano’y nude photo niya. “Hindi naman ako matatakutin. Mataray ako, eh. Nabubuwisit ako,” ito ang reaksyong ng aktres sa paglabas ng nasabing picture na ngayon ay kumakalat sa Internet at cell phones.

Dagdag pa ni Angelica, matagal na raw ang nasabing isyu kaya’t nagtataka siya kung bakit muli na naman itong nahalungkat. Ang nagsabi raw sa kanya ay ang bestfriend ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay. Tinawagan naman daw siya ni Derek dahil daw nag-alala ang ama ni Derek para sa aktres.

Sa The Buzz kahapon ay ibinahagi ng host na si KC Concepcion at matalik na kaibigan ni Angelica na nakatanggap din daw siya ng text message tungkol sa picture sa kanyang pribadong numero. “’Yun ‘yung taong nakakapagtaka kasi alam niya ang personal numbers ng mga taong hindi mo naman dapat malaman ang number,” ani Angelica na kahit siya raw ay hindi niya alam ang private number ni KC.

Muli ay idiniin niya na hindi siya ang babae sa nude photo. “Ang ganda kaya ng body ko,” pagbibiro ng aktres. “Hindi ako ganun mag-bra. Baliktad siyang mag-bra. Flexible kaya ako, hello!”

Paliwanag pa ni Angelica kung siya man daw ang nasa larawan ay malalaman niya kung saan kinunan at kung sino ang kumuha ng picture pero hindi raw talaga siya iyon.

Itinanong ng host na si Charlene Gonzales kung sa tingin ba ni Angelica ay taga-showbiz ang nagpapakalat ng nasabing litrato. “Ayaw kong mag-isip ng pangit kasi masyado po akong happy,” buwelta ng dalaga.

Mensahe naman niya sa mga taong naninira sa kanya, “Mamatay kayo sa inggit dahil ganito ako kaganda,” natatawa niyang sagot. Masuwerte raw siya na mabigyan ng talento ng Diyos at mayroon daw siyang mga kaibigang tunay na nagmamahal sa kanya.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS
Read Comments